Marlboro Black 2 – Because 

Marlboro Black 2 Lyrics - Because

Singer Because
Music Because

Marlboro Black 2 Lyrics

Mukhang desidido ka na sa mga huling sinabi mo
at parang ang lahat ng galit sa
mundong dala dala ay sakin isinalin oh
di na ba hahanap pa ng paraan?
pabalik sa taas wala na bang hagdan?
bangka ay palubog di na masasagwan
palusot sa butas ay di na matatakpan

kung pwede lang ulit na manalo sa roleta
at maibalik nung wala tayong problema
plano nating bahay at masasayang eksena,
ngayon ay isisilid na natin sa bodega

kasi di na tama, di inakalang
wala pala sa piling ko ang
hanap mong ginhawa
gusto mong manatili pero di na to gagana
tayo ay wala na, wala na

hindi rin natin alam magkakaganto
‘lam ko na mas ayos ka nang wala ako
kesa naman tayo pang magkasama ngunit
di ka masaya , hindi ka masaya

hindi rin natin alam magkakaganto
hawak hawak ko nalang ang larawan mo
kesa naman tayo pang magkasama ngunit
di ka masaya , hindi ka masaya

pwede ba na taympers muna, sandali?
baka maantay magkaron ng time machine
pumunta sa saglit na nakita ang ngiti mo
at ang panahon na abot tenga ang ngiti ko

ngayon ang kampi kala mo ay magkalaban
ngayon ay gantihan nalang ng kasalanan
mga simpleng bagay lang ay pinagiinitan
at sanay na sa murahan na palitan
sa tuwing galit ka, galit din ako
‘gang sa di na maaayos nangunguna ang tampo
di alam kung sumosobra na o nangkukulang ba ‘ko
mga litratong maganda bakit tuluyang lumalabo?

kasi di na tama, di inakalang
wala pala sa piling ko ang
hanap mong ginhawa
gusto mong manatili pero di na to gagana
tayo ay wala na, wala na

hindi rin natin alam magkakaganto
‘lam ko na mas ayos ka nang wala ako
kesa naman tayo pang magkasama ngunit
di ka masaya , hindi ka masaya

hindi rin natin alam magkakaganto
hawak hawak ko nalang ang larawan mo
kesa naman tayo pang magkasama ngunit
di ka masaya , hindi ka masaya